Thursday, June 7, 2012

PBB housemate Alec Dungo, nahuling nagma-maryang palad sa loob ng Bahay ni Kuya!


May kumakalat ngayon sa Facebook na video involving Pinoy Big Brother Teen Edition 4 housemate Alec Dungo. Ang kilalang Chinito Guwapito ng Laguna ay di umanong nahuli na nagmamaryang-palad sa ilalim ng kumot.

Ayon sa mga nakasaksi, habang nagbibigay ng komento ang mga host ng PBB Uber edition tungkol sa kalikutan ng housemate na si Bing ay naaktuhan ng kamera si Alec habang may kung anong kinakamot o nilalaro sa ilalim ng kanyang kumot. Ang nakakaloka pa ay habang "nagmamaryang-palad" siya ay nakatingin siya sa mga kapwa lalaking housemates. Mahirap sabihin na nagkakamot lang siya dahil ang motion ng kanyang kamay ay taas-baba, at umeksakto pa sa bahaging  private part ng housemate.


Kung napanood niyo na ang video, ano sa tingin ninyo? Kung di mo pa napapanood, i-click mo ito..

Baka hindi naman nagmamaryang-palad si Alec. Baka gimik lang ang lahat para may pag-usapan, since hindi gaanong matunog ang PBB Teen Edition 4 ngayon.

Friday, March 23, 2012

Dalawang nobela ni Bob Ong, gagawin nang pelikula!

Fresh from the grape vine: dalawa sa libro ng Bestselling Filipino author na si Bob Ong ang gagawing pelikula courtesy of Viva Films!

Yup, you read it right! At may dapat tayong ipagdiwang, mga Bob Ong fans!

Dalawa sa libro kasi ni Bob Ong ang isasapelikula ng Viva Films - ang ABNKKBSNPLAko?! at ang latest na Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Nida Ramirez ng VISPRINT, Inc. (Publisher ni Bob Ong) at VIVA big boss Vic Del Rosario
Binili ng Viva Films ang film rights ng mga libro sapagkat bukod sa maraming "aral" ang mapupulot sa mga libro ay hindi rin matatawaran ang entertainment value ng mga ito.

Kung inyong matatandaan, bumenta ng husto ang librong ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong (mahigit 700,000 copies ang nabenta, and still counting!). At sa kasalukuyan, top 1 sa best-selling lists ang pinakabago niyang nobela na "Kung Lumayo Ka Nga Sa Akin." Ang nasabing libro ay isang parody ng Filipino movie industry.

Nida Ramirez ng VISPRINT, Inc. (Publisher ni Bob Ong) at VIVA big boss Vic Del Rosario
Ayon sa Viva, noong una ay hindi pa desidido si Bob Ong na isapelikula ang kanyang mga nobela. "Nung una ayaw niya. In-explain naman niya kay Sir Vincent [Del Rosario] na he didn't see Lumayo as a movie kasi Lumayo is a parody of the Filipino movie industry. Pero he trusts that Viva can have this creative view naman, very established naman yung Viva," pahayag ni Nida Ramirez ng VISPRINT Inc. na publisher ng mga libro ni Bob Ong.

Samantala, nagpahayag na si Bob Ong na hands-off na siya sa tema at aspeto ng pelikula, bagama't nagpahayag din siya na interesado siyang mag-supervise sa pagsusulat ng script.

Kaya may dahilan upang abangan natin ang dalawang pelikulang ito!

Tuesday, March 13, 2012

Rhian Ramos, pipiliting isalba ang nasirang imahe!

Aljur Abrenica at Rhian Ramos sa "My Kontrabida Girl"
Palaban na humarap sa presscon ng "My Kontrabida Girl"  ang bida ng pelikula na si Rhian Ramos. Kaswal niyang sinabi na siya ay totally moved-on na sa nakaraan nitong relasyon sa isang baklang DJ. Di ko na babanggitin ang pangalan ng baklang DJ dahil bukod sa kilala niyo na siya ay nakiusap na ang kampo ni Rhian na gawing "third party" ang pangalan ng ex.

Mabalik tayo, inamin ni Rhian na nakatanggap siyang muli ng pananakot mula sa ex, na kesyo may papasabuging intriga laban kay Rhian ang ex niyang baklang DJ sa mismong play date ng kanyang pelikula sa March 14.

"Dati siguro oo, pero ngayon... malayo naman ako eh... I'm moving on na! Kasi ang daming magagandang pangyayari ang dumadating sa akin, so doon ko inilalagay ang atensyon ko," wika ni Rhian na halatang-halata na kampante.

"Ako pa ba ang magpapa-bad trip sa sarili ko? Ayoko na lang [siyang] pansinin!" dagdag pa ng dalaga na patungkol sa kanyang ex.

Aminado naman si Rhian na nasa stage pa siya ng pagmo-move-on dahil na rin sa tindi ng pinagdaanan niya. Mahirap din kasing kalimutan ang nakaraan nila ng ex, lalo na ang mga "pasabog" nito na siyang ikinasira ng imahe ni Rhian sa madla.

Idinagdag ni Rhian na natuto na siya ng leksyon sa mga nangyari, lalo na sa paghahanap ng lalaking makakasama niya.

Samantalang, gumagawa na ng hakbang ang mother network ni Rhian upang isalba ang nasirang imahe nito sa madla na siyang pwedeng ikasira ng showbiz career ng dalaga. Mahirap din kasing kalimutan na inakusahan siyang "nagpalaglag" ng bata na siyang tumatatak sa isipan ng tao hanggang sa ngayon. Sa tulong ng mga entertainment writers, pilit na muling pinapabango ang imahe ni Rhian at umaasa sila na sa pelikulang "My Kontrabida Girl" ay muling sumigla ang career nito.

Bagama't suntok pa rin sa buwan ang ginagawa ng GMA sa paglilinis ng imahe ni Rhian, isa lang ang namumutawi sa dalaga sa ngayon - na ibang-iba na siya. Hindi na siya ang Rhian Ramos na nakilala ng madla noon.

Sunday, February 5, 2012

Mga taba sa katawan ni Sharon Cuneta, biglang nawala sa February 2012 issue ng Mega Magazine!

Kaloka!

Kung dati nawindang ang buong bayan sa photoshopped picture ni Jinky Pacquiao sa January 2012 issue ng Mega Magazine, aba mukhang natalbugan siya ni Megastar Sharon Cuneta! Si Sharon kasi ang cover ng February 2012 issue ng Mega Magazine.

Ano naman ang nakakaloka dun?

Well, alam naman natin na tabachoy este malusog si Sharon Cuneta pero sa latest cover ng Megastar, aba nawala ng parang bula ang kanyang katabaan!

Pero as usual walang kumagat at humanga sa magazine cover na iyon bagkus nakatikim din ito ng pang-aalipusta sa madla. 'Yun nga lang di gaanong hayag dahil malaki ang ibinayad tiyak ni Mega para mapigilan ang hindi magagandang write-ups tungkol sa kanya. Pak!

Pero sa totoo lang, nakakaloka talaga sapagkat super photoshop talaga ang nasabing cover ni Mega. With the aid of optical illusion at siyempre himala ng photoshop, naging sexy at glamurosa si Sharon. Ang kaso nga walang maniwala sapagkat alam naman nating lahat na mataba si Sharon. At lokohan lang ang lahat.

Heto ang million-dollar question: magkano naman kaya ang budget ni Mega para bilhin niya lahat ang magazine kung saan siya ang cover? Well, let's just ask her husband, si Senator Kiko Pangilinan na madalas bumili ng 10,000 copies ng album ni KC Concepcion.

Sa totoo lang dapat hindi tangkilikin ng mga Pinoy ang mga magazines na ganyan. Para kasing niloloko lang nila ang madlang pipol.

Monday, January 23, 2012

KC Concepcion, ibinandera na ang mala-patang hita sa Rogue Magazine!

Naging-usap-usapan before ang mga photoshop cover ng iba't ibang magazines, lalo na ang magazine kung saan cover ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee. May mga humanga sa photoshop picture ni Jinkee, pero marami ang bumatikos. Kaya hayun, binansagan si Jinkee na Photoshop Queen. Hindi pa namamatay ang isyu na iyon at heto may panibagong photoshop queen sa katauhan ni KC Concepcion!

After the mala-teleseryeng break-up nina KC at ang ex nitong si Piolo Pascual, mukhang nagka-interes ang Rogue Magazine na gawing cover girl ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Hayun nga, si KC nga ang naging cover ng February 2012 issue ng Rogue Magazine.


Kaloka! Nung una kong makita ang cover na ito, no doubt PHOTOSHOP NA PHOTOSHOP ang dating ni KC dito! Pero ang mas nakakaloka pa, ibinalandra pa nito ang mala-pata niyang hita!

Juice mio! Ang lakas ng loob ni KC!

Ilang beses ko nang nakita si KC Concepcion ng personal at ang masasabi ko lang, talagang MALALAKI ang HITA ng dalaga. Parang si Carla Abellana na kasalukuyang "Pata Queen" ng showbiz. Wala akong komento sa mukha ni KC - maganda naman siya sa personal. Pero ang nakaka-distract sa kanya ang malalaki niyang braso, hita, at binti! NAGMANA SA NANAY!

Sabi ng isa kong source, hindi photoshop ang upper part ng magazine, pero ang ibabang bahagi, tadtad ng retoke. Sabi pa ng source ko, pina-impis pa nila ng kaunti ang hita ni KC gamit ang photoshop. Ibang-iba raw ang hita ni KC sa "before" and "after" ng magazine! Ganoon???

Pero pansin ko mukhang wa-epek ang photoshop kasi ang laki pa rin ng hita ni KC!

Anyway, alam kong nagawa lang ito ni KC dahil sa sobrang depression simula ng maghiwalay sila ni Piola este Piolo. Kapansin-pansin rin ang hawak ni KC na pugot na ulo ng isang manekin na lalaki at ahas na nakapalupot sa kamay niya. Si Piolo kaya ang ipinapahiwatig ng pugot na ulo? Well...

Heto ang MILLION DOLLAR QUESTION: Kakagatin ba naman ang magazine na ito ng madlang pipol? Let's find out!

For sure, papakyawin ng kanyang nanay at stepdad ang magazine. Mga 10,000 kopya ang pinaka-mababa! My lips are sealed!

Anyway, mas maganda siguro kung si Piolo na lang ang cover ng magazine at hindi si KC...

Pak!