Sunday, February 5, 2012

Mga taba sa katawan ni Sharon Cuneta, biglang nawala sa February 2012 issue ng Mega Magazine!

Kaloka!

Kung dati nawindang ang buong bayan sa photoshopped picture ni Jinky Pacquiao sa January 2012 issue ng Mega Magazine, aba mukhang natalbugan siya ni Megastar Sharon Cuneta! Si Sharon kasi ang cover ng February 2012 issue ng Mega Magazine.

Ano naman ang nakakaloka dun?

Well, alam naman natin na tabachoy este malusog si Sharon Cuneta pero sa latest cover ng Megastar, aba nawala ng parang bula ang kanyang katabaan!

Pero as usual walang kumagat at humanga sa magazine cover na iyon bagkus nakatikim din ito ng pang-aalipusta sa madla. 'Yun nga lang di gaanong hayag dahil malaki ang ibinayad tiyak ni Mega para mapigilan ang hindi magagandang write-ups tungkol sa kanya. Pak!

Pero sa totoo lang, nakakaloka talaga sapagkat super photoshop talaga ang nasabing cover ni Mega. With the aid of optical illusion at siyempre himala ng photoshop, naging sexy at glamurosa si Sharon. Ang kaso nga walang maniwala sapagkat alam naman nating lahat na mataba si Sharon. At lokohan lang ang lahat.

Heto ang million-dollar question: magkano naman kaya ang budget ni Mega para bilhin niya lahat ang magazine kung saan siya ang cover? Well, let's just ask her husband, si Senator Kiko Pangilinan na madalas bumili ng 10,000 copies ng album ni KC Concepcion.

Sa totoo lang dapat hindi tangkilikin ng mga Pinoy ang mga magazines na ganyan. Para kasing niloloko lang nila ang madlang pipol.

0 comments:

Post a Comment