Sunday, November 27, 2011

Aktor na si Lemuel Pelayo at 'Zombadings' star na si Kerbie Zamora kinasuhan ng frustrated murder!

Lemuel Pelayo at iba pa, sinampahan ng frustrated
murder!
Sinampahan ng kasong frustrated murder at grave threats ang mga aktor na sina Lemuel Pelayo at Kerbie Zamora, star ng hit indie film na 'Zombadings', kasama ang 13 pang modelo dahil sa pambubugbog sa dating aktor ng 'Ang TV' na si  Ramon Carlos Castro.

Si Castro, 37, ay nagtamo ng matinding pasa at mga sugat sa katawan matapos siyang bugbugin nina Pelayo, Zamora at 13 pang iba dahil sa away sa larong basketball sa lungsod Quezon noong Nobyembre 17.

Base sa reklamo ni Castro, nangyari ang insidente habang naglalaro sila ng basketball sa loob ng Capitol Estate 1 Subdivision basketball court na matatagpuan sa Brgy. Batasan Hills. Bago ang pambubugbog, naglaro muna umano ang grupo ng biktima at ng grupo ng mga suspek ng basketball kung saan nanalo ang una kung saan hindi matanggap ng natalong grupo ang resulta. Habang nagpapahinga ang biktimang si Castro ay nilapitan umano siya nina Pelayo at walang awang pinagbubugbog.

Nagtamo si Castro ng matinding pagdurugo sa tatlong malaim na hiwa sa tenga, bali sa balikat at pamamaga ng pisngi sanhi para mawalan ng malay si Castro at humadusay sa semento.

Bukod kina Pelayo at Zamora, sinampahan din ng kaso ang dating pambato ng Pilipinas sa Manhunt International 2007 na si Don Mendoza at iba pang mga modelong sina Carlo Lopez, Boo Dhugzz, Bjorn Aguilar, James Zablan, John Dennis Lim, Laxie Villar, Kris Melendrez, Vince Alas, Royan Hernandez, Amado Roan, kasama ang babaeng si Joanna Montalbo at tatlo pang iba.

Kasalukuyang nasa CIDG na ang kaso at hinihintay na lang ang warrant of arrest sa 15 suspek.

Source: Philippine Star

1 comments:

Kerbie Zamora, Lemuel Pelayo, Bjorn Aguilar, Don Mendoza et al need to be jailed for what they have done. I wonder if these guys are still getting modeling/acting jobs. menace to society talaga.

Post a Comment