Tuesday, March 13, 2012

Rhian Ramos, pipiliting isalba ang nasirang imahe!

Aljur Abrenica at Rhian Ramos sa "My Kontrabida Girl"
Palaban na humarap sa presscon ng "My Kontrabida Girl"  ang bida ng pelikula na si Rhian Ramos. Kaswal niyang sinabi na siya ay totally moved-on na sa nakaraan nitong relasyon sa isang baklang DJ. Di ko na babanggitin ang pangalan ng baklang DJ dahil bukod sa kilala niyo na siya ay nakiusap na ang kampo ni Rhian na gawing "third party" ang pangalan ng ex.

Mabalik tayo, inamin ni Rhian na nakatanggap siyang muli ng pananakot mula sa ex, na kesyo may papasabuging intriga laban kay Rhian ang ex niyang baklang DJ sa mismong play date ng kanyang pelikula sa March 14.

"Dati siguro oo, pero ngayon... malayo naman ako eh... I'm moving on na! Kasi ang daming magagandang pangyayari ang dumadating sa akin, so doon ko inilalagay ang atensyon ko," wika ni Rhian na halatang-halata na kampante.

"Ako pa ba ang magpapa-bad trip sa sarili ko? Ayoko na lang [siyang] pansinin!" dagdag pa ng dalaga na patungkol sa kanyang ex.

Aminado naman si Rhian na nasa stage pa siya ng pagmo-move-on dahil na rin sa tindi ng pinagdaanan niya. Mahirap din kasing kalimutan ang nakaraan nila ng ex, lalo na ang mga "pasabog" nito na siyang ikinasira ng imahe ni Rhian sa madla.

Idinagdag ni Rhian na natuto na siya ng leksyon sa mga nangyari, lalo na sa paghahanap ng lalaking makakasama niya.

Samantalang, gumagawa na ng hakbang ang mother network ni Rhian upang isalba ang nasirang imahe nito sa madla na siyang pwedeng ikasira ng showbiz career ng dalaga. Mahirap din kasing kalimutan na inakusahan siyang "nagpalaglag" ng bata na siyang tumatatak sa isipan ng tao hanggang sa ngayon. Sa tulong ng mga entertainment writers, pilit na muling pinapabango ang imahe ni Rhian at umaasa sila na sa pelikulang "My Kontrabida Girl" ay muling sumigla ang career nito.

Bagama't suntok pa rin sa buwan ang ginagawa ng GMA sa paglilinis ng imahe ni Rhian, isa lang ang namumutawi sa dalaga sa ngayon - na ibang-iba na siya. Hindi na siya ang Rhian Ramos na nakilala ng madla noon.

1 comments:

Panong palaban eh bawal naman magtanong ng tungkol sa abortion?

Meron bang naka-move on na at matapang daw na ayaw banggitin ang pangalan ng fubu niya?

magpakatotoo ka Rhian! wag kang umasang makakalimutan na lang ng tao ang isyu sa iyo. linawin mo, nagpa-abort ka ba o hinde? kung yun lang di mo masagot, malamang totoo ang pinagsasasabi ng bading mong ex. bading pero sarap na sarap ka naman. nakabuo daw kayo ng dalawa. pano pa yung di nabuo?

o baka naman bukod kay bading eh may iba ka pang b*rat na kinakalantari?

Post a Comment