Friday, March 23, 2012

Dalawang nobela ni Bob Ong, gagawin nang pelikula!

Fresh from the grape vine: dalawa sa libro ng Bestselling Filipino author na si Bob Ong ang gagawing pelikula courtesy of Viva Films!

Yup, you read it right! At may dapat tayong ipagdiwang, mga Bob Ong fans!

Dalawa sa libro kasi ni Bob Ong ang isasapelikula ng Viva Films - ang ABNKKBSNPLAko?! at ang latest na Lumayo Ka Nga Sa Akin.

Nida Ramirez ng VISPRINT, Inc. (Publisher ni Bob Ong) at VIVA big boss Vic Del Rosario
Binili ng Viva Films ang film rights ng mga libro sapagkat bukod sa maraming "aral" ang mapupulot sa mga libro ay hindi rin matatawaran ang entertainment value ng mga ito.

Kung inyong matatandaan, bumenta ng husto ang librong ABNKKBSNPLAko?! ni Bob Ong (mahigit 700,000 copies ang nabenta, and still counting!). At sa kasalukuyan, top 1 sa best-selling lists ang pinakabago niyang nobela na "Kung Lumayo Ka Nga Sa Akin." Ang nasabing libro ay isang parody ng Filipino movie industry.

Nida Ramirez ng VISPRINT, Inc. (Publisher ni Bob Ong) at VIVA big boss Vic Del Rosario
Ayon sa Viva, noong una ay hindi pa desidido si Bob Ong na isapelikula ang kanyang mga nobela. "Nung una ayaw niya. In-explain naman niya kay Sir Vincent [Del Rosario] na he didn't see Lumayo as a movie kasi Lumayo is a parody of the Filipino movie industry. Pero he trusts that Viva can have this creative view naman, very established naman yung Viva," pahayag ni Nida Ramirez ng VISPRINT Inc. na publisher ng mga libro ni Bob Ong.

Samantala, nagpahayag na si Bob Ong na hands-off na siya sa tema at aspeto ng pelikula, bagama't nagpahayag din siya na interesado siyang mag-supervise sa pagsusulat ng script.

Kaya may dahilan upang abangan natin ang dalawang pelikulang ito!

4 comments:

Post a Comment