Monday, January 23, 2012

KC Concepcion, ibinandera na ang mala-patang hita sa Rogue Magazine!

Naging-usap-usapan before ang mga photoshop cover ng iba't ibang magazines, lalo na ang magazine kung saan cover ang asawa ni Pambansang Kamao Manny Pacquiao na si Jinkee. May mga humanga sa photoshop picture ni Jinkee, pero marami ang bumatikos. Kaya hayun, binansagan si Jinkee na Photoshop Queen. Hindi pa namamatay ang isyu na iyon at heto may panibagong photoshop queen sa katauhan ni KC Concepcion!

After the mala-teleseryeng break-up nina KC at ang ex nitong si Piolo Pascual, mukhang nagka-interes ang Rogue Magazine na gawing cover girl ang anak ni Megastar Sharon Cuneta. Hayun nga, si KC nga ang naging cover ng February 2012 issue ng Rogue Magazine.


Kaloka! Nung una kong makita ang cover na ito, no doubt PHOTOSHOP NA PHOTOSHOP ang dating ni KC dito! Pero ang mas nakakaloka pa, ibinalandra pa nito ang mala-pata niyang hita!

Juice mio! Ang lakas ng loob ni KC!

Ilang beses ko nang nakita si KC Concepcion ng personal at ang masasabi ko lang, talagang MALALAKI ang HITA ng dalaga. Parang si Carla Abellana na kasalukuyang "Pata Queen" ng showbiz. Wala akong komento sa mukha ni KC - maganda naman siya sa personal. Pero ang nakaka-distract sa kanya ang malalaki niyang braso, hita, at binti! NAGMANA SA NANAY!

Sabi ng isa kong source, hindi photoshop ang upper part ng magazine, pero ang ibabang bahagi, tadtad ng retoke. Sabi pa ng source ko, pina-impis pa nila ng kaunti ang hita ni KC gamit ang photoshop. Ibang-iba raw ang hita ni KC sa "before" and "after" ng magazine! Ganoon???

Pero pansin ko mukhang wa-epek ang photoshop kasi ang laki pa rin ng hita ni KC!

Anyway, alam kong nagawa lang ito ni KC dahil sa sobrang depression simula ng maghiwalay sila ni Piola este Piolo. Kapansin-pansin rin ang hawak ni KC na pugot na ulo ng isang manekin na lalaki at ahas na nakapalupot sa kamay niya. Si Piolo kaya ang ipinapahiwatig ng pugot na ulo? Well...

Heto ang MILLION DOLLAR QUESTION: Kakagatin ba naman ang magazine na ito ng madlang pipol? Let's find out!

For sure, papakyawin ng kanyang nanay at stepdad ang magazine. Mga 10,000 kopya ang pinaka-mababa! My lips are sealed!

Anyway, mas maganda siguro kung si Piolo na lang ang cover ng magazine at hindi si KC...

Pak!

0 comments:

Post a Comment