Saturday, January 14, 2012

Pagli-link kina Kris Aquino at Coco Martin, ka-cheapan!!!

Coco Martin at Kris Aquino, bagong love team?
Ewan ko kung mayroong kumagat sa hula (mula sa amoy sibuyas este mula sa isang Bumbay na psychic na nagngangalang Robert Das) na mabubuntis raw ni Coco Martin si Kris Aquino ngayong taon. Sa totoo lang speechless ako sa issue na ito dahil sa sobrang ka-cheapan!

Di ko alam kung ano ang gustong ipahiwatig ng Bumbay na ito. Talaga bang na-vibes niya na mabubuntis ni Coco Martin si Kris Aquino o publicity lang?

Sa totoo lang mukhang malabong mangyari ang sinasabing hula. Pero malay ko at malay natin magkatotoo ang hula, knowing that mahilig sa hotdog si Kris.

Ang nakakawindang pa, ayon sa hula, babae raw ang magiging anak nina Coco at Kris. Kaloka!

At heto pa ang nakakawindang: may ilang mga papansin na inaakusahan si Coco Martin ng panggagamit kay Kris. Pwede bah?!?!

First of all, hindi manggagamit si Coco Martin. At saka hindi nga niya kilala ang Robert Das na iyan. Ewan ko ba kung saan pinulot ni Jobert Sucaldito ang manghuhulang Bumbay na iyan. Second, kahit wala si Kris Aquino, kaya ni Coco Martin na maging sikat using his own merits. Kaya ewan ko doon sa mga taong pilit na ibinababa si Coco.

Mabalik tayo sa isyu. Siguro binigyan ng kahulugan ang pagiging closeness nina Kris at Coco. Kung ia-analyze mo ang mga interview ni Coco, mukhang malabong mangyari ang hula dahil una tingin ni Coco kay Kris ay parang ate lamang. Pangalawa, malaki ang paggalang niya sa pamilyang Aquino.

Kaya malabong magkagusto si Coco kay Kris - unless si Kris mismo ang gumawa ng unang hakbang tulad ng ginawa niya sa ex-husband niyang si James Yap.

Kung tatanungin niyo naman ako kung bagay sina Coco at Kris. Sagot ko: HINDI!

Juice mio naman! Hindi bagay sina Coco at Kris na mag-dyowa. Una, malaki ang age gap nila. Magmumukhang sugar mommy si Kris at magmumukhang pera naman si Coco. Pangalawa, malaki rin ang gap ng estado nila sa buhay. 

Kaya doon sa mga taong nagpapantasya na magkatotoo ang hula kina Coco at Kris, lalo na sa mga miyembro ng samahang CoCoKrisAnatics (fans cub ng Coco-Kris Love team), magising kayo sa katotohanan!!!

1 comments:

Post a Comment