Wednesday, December 21, 2011

Valerie Concepcion, ipinahamak si P-Noy!


Kamakailan ay binagyo ang Mindanao ng bagyong Sendong. Halos hindi maipaliwanag ang naging pinsala ng bago, mula sa dami ng mga nasawi at sa dami ng mga nasirang ari-arian. Buong Pilipinas ay nagluluksa sa ngayon.

Pero naging maintriga nitong mga nagdaang araw dahil lamang sa tweet ni Valerie Concepcion na naging dahilan ng pagiging nega ngayon ni P-Noy. Inaakusahan kasi ng iba si P-Noy na nagsasaya sa Christmas Party ng Presidential Security Group habang ang mga naging biktima ng bagyong Sendong ay patuloy sa pagluluksa.

Tweet kasi si Valerie: "Done w/ work.. Tnx for having me.. It was nice to see Pres. P-Noy laughing at my jokes & enjoying my performance..ü #Malacañang #PSGNight"

Kung tutusin walang masama sa tweet ni Valerie. Ngunit naging isang malaking issue ito dahil na rin sa kasalukuyang kalagayan ng bansa. As expected naging trending ito sa Twitter at kasabay nito nakatikim ng panlalait si P-Noy sa mga naimbyernang Pilipino.

Ayon sa karamihan sa mga nagbigay ng reaksiyon, sa halip na asikasuhin ang mga kababayan natin sa Mindanao na sinalanta ng bagyong Sendong ay nakikipag-party lang pala si P-Noy.

Agad namang binura ni Valerie ang nasabing tweet, sabay nag-sorry kay P-Noy. "I do not see anything wrong with that since its his obligation and responsibility being the head of Malacañang to be present and show his support for his hardworking employees and their respective families. But I believe that it doesn’t mean that the president is not thinking of ways to help our kababayan(s) in Mindanao. It doesn’t mean that the president is disregarding the plight of our fellow Filipinos. Let’s not be too quick to judge."

Ngunit kahit na binura pa niya ang nasabing tweet, nakalikha na ito ng masamang imahe sa Pangulo.

'Yan kasi ang hirap, Valerie, tweet lang ng tweet! You should be more sensitive before tweeting! Ayan tuloy binigyan ng malisya ang pagdalo ni P-Noy sa Christmas Party ng kanyang mga tauhan sa PSG.

Hay naku...

1 comments:

Post a Comment