Saturday, December 10, 2011

Miss Earth-Air 2011 Athena Imperial, kinamumuhian ng mga pageant fans!

Mahigit isang linggo na ang nakalipas simula nang makoronahan si Miss Ecuador, Olga Alava, bilang Miss Earth 2011 ay hindi pa rin mamatay-matay ang isyu laban sa paghirang sa ating pambato na si Athena Mae Imperial bilang Miss Earth-Water 2011.

Kaloka, hanggang ngayon kasi hindi matanggap ng mga pageant fans ang tagumpay na natamo ni Athena!

Ang nakakaloka pa, karamihan sa mga kumokontra sa pagkapanalo ni Athena ay mga kapwa niya Pilipino!

Hindi tulad ng mga kasabayan niyang sina Shamcey Supsup, Gwendoline Ruais, at Dianne Necio na ipinagbunyi ng mga Pinoy ang mga karangalang naiuwi nila sa kani-kanilang mga pageants. 

Bakit kaya?

Ayon sa aking mga nakalap na balita, di umano galit ang mga pageant fans kay Athena dahil sa attitude problem daw nito. Ayon sa mga sabi-sabi ay "mapang-mataas" daw at "mayabang" itong si Athena na siyang kinasaran ng mga kapwa niya Pinoy. Nag-ugat rin ang pagkamuhi ng mga fans kay Athena nang minsang ma-interview siya ni Boy Abunda sa show nitong "Bottomline". May pagka-"mayabang" ang sagot ni Athena na matatalo niya si Shamcey Supsup sa Question and Answer portion.

Simula noon ay marami na ang na-imbyerna kay Athena.

Ngayong nahirang si Athena bilang Miss Earth-Water 2011, halos magwala ang mga fans sa sobrang dismaya at ang iba ay nagbulgar pa na may naganap na "gapangan" sa resulta ng Miss Earth. Pero dedma lang dito ang Carousel Productions na siyang organizer ng Miss Earth.

Hay naku. Anyway, I still congratulate Athena sa kanyang naging achievement sa katatapos na Miss Earth 2011.

0 comments:

Post a Comment