Friday, December 2, 2011

'Wont Last A Day Without You' hataw sa takilya!

Grabe, ang haba ng pila sa sinehan kung saan certified box office hit ang 'Won't Last A Day Without You' starring Sarah Geronimo at Gerald Anderson!

Hindi mabilang ang mga taong nakapila sa SM Cinemas dito sa North EDSA dahil gusto talaga nilang mapanood ang pagbabalik tambalan nina Sarah at Gerald.

Biro mo, Php 20 million agad ang kinita ng pelikula sa unang araw ng showing nito! Grabe! Di malayong matabunan nito ang 'No Other Woman' at 'Praybeyt Benjamin' sa takilya!

Iba talaga ang hatak sa tao ng Sarah-Gerald tandem! Kung sa bagay talagang nakakakilig ang tambalan nina Sarah at Gerald at in fairness, talagang pinaghandaan ang 'Won't Last A Day Without You' dahil talagang maganda ang istorya at memorable ang mga quotes.

Idagdag pa ang kakwelahan ni Joey De Leon na ang tawag kay Sarah sa pelikula ay "Anakonda" o "Anak kong maganda".

Hay naku, hindi ko ikukuwento ang kabuuan ng pelikula. Basta ang masasabi ko lang sa inyo: Sulit ang Ibabayad ninyo dahil talagang nakakakilig ang 'Won't Last A Day Without You'!

0 comments:

Post a Comment