Saturday, November 12, 2011

Pagiging 1st Runner-up ni Gwendoline Ruais, walang ingay!


Isang linggo na rin ang nakalipas simula nang tanghalin si Gwendoline Ruais bilang first runner-up sa Miss World 2011 na pinalunan ni Miss Venezuela, Ivian Sarcos. Pero tila hindi yata hot news ang balitang ito compare noong tinanghal sina Venus Raj bilang fourth runner-up sa Miss Universe 2010 at Shamcey Supsup na tinanghal na third runner-up sa  Miss Universe 2011.

Ayon naman sa mga tagamasid, kaya daw hindi matunog ang pagiging first runner-up finish ni Gwendoline ay dahil natabunan raw ito ng issue ng pagkakapatay kay Ramgen Revilla kung saan sangkot ang dalawang kapatid nito. 

May mga nagsasabi rin na hindi popular ang Miss World sa Pilipinas kumpara sa Miss Universe at Miss International.

May ilang nag-iintriga naman na half-Pinoy lang daw kasi si Gwendoline kaya hindi malapit sa masa ang tagumpay niya. Eh bakit naman si Venus Raj, half-Pinay rin naman ha?

Mismong ang pagbalik ni Gwendoline sa Pilipinas hindi tiyak. Maliban sa ga pageant afficionados, e wala nang nakakaalam kung kailan babalik si Gwendoline sa Pilipinas.

My take: actually, may kinalaman ang GMA 7 sa publicity kay Gwendoline. Sa totoo lang, may kulang sa Kapuso network with regards to publicity. GMA ang exclusive broadcaster ng Miss World pageant dito sa Pilipinas, pero bakit hindi man lang ginawan ng ingay ng GMA para mapanood ng masa? At saka sa kasagsagan ng Miss World 2011 pageant, wala man lang update ang GMA. Di tulad ng ABS-CBN palaging updated sa Miss Universe pageant, at infairness maganda ang publicity kaya noong inere ang Miss Universe pageant noong September 13, mataas ang nakuhang ratings nito.

Ano ba ang problema, ang popularity ba ng Miss World sa Pilipinas o GMA na siyang may responsibilidad sa publicity ng pageant dito sa Pilipinas?

Well, I just hoping na bigyan man lang sana ng heroes welcome si Gwendoline pagbalik niya sa Pilipinas tulad ng pagsalubong kay Shamcey Supsup noon. To think na mas mataas ang na-achieve ni Gwendoline.

Ay watch niyo na lang ito:


1 comments:

Post a Comment