Thursday, November 10, 2011

Regine Velasquez, nanganak na!

Regine Velasquez, nanganak na!
Good news para sa mga fans ni Asia's songbird Regine Velasquez! Nanganak na ang kanilang idolo noong Nobyembre 8 sa Makati Medical Center via caesarian section. Eksaktong 7:47 P.M. nang simulang masilayan ni baby Nathaniel James ang daigdig. Siyempre, tuwang-tuwa ang mag-asawa lalo na si Ogie Alcasid na hindi makapakali na masilayan ang kanilang first baby ni Regine.

Sa timbang na 4.4 pounds ay masasabing healthy si Nathaniel James. 

Ayon naman kay Ogie, hindi pa sana nakatakdang manganak si Regine, pero dahil mababa ang amniotic fluid niya at mataas ang sugar level ay na-cesarean section na siya.

Anyway, congratulations kina Regine at Ogie!

1 comments:

Post a Comment