Saturday, November 12, 2011

Manny Pacquiao, panalo kontra kay Juan Manuel Marquez! Pacman nakatikim ng "boo" sa mga Marquez fans!

Isang magandang balita ngayong Linggo: panalo si Congressman Manny Pacquiao laban sa Mehikanong si Juan Manuel Marquez sa kanilang huling boxing fight na ginanap sa Amerika kanina lamang.

As expected, nagpupunyagi ngayon ang buong sambayanan sa pagkapanalo ni Pacman, kabilang na ako!

Masasabi kong ang huling laban nina Pacquiao at Marquez ang siyang pinakamahirap sa naging laban ng una. Grabe, makapigil-hininga talaga ang bawat rounds. Muntik nang matalo si Pacman dahil sa pinaghandaang depensa ni Marquez. Pero thank God at sa huli wagi si Pacquaio. Mabuhay!

Speaking of Marquez, alam niyo bang sobrang bitter kanina ng mga Mehikanong fans ni Marquez kaya nag-boo ang mga ito nang ihayag na ng referee ang pagkapanalo ng Pambansang Kamao. Kahit sa Facebook, nagwawala ang mga Mehikano, hindi tanggap ang pagkatalo ng kanilang pambato! Well, ganyan talaga ang ugali ng mga iyan. Kahit na mag-boo pa sila hindi nila mababago ang katotohanang nanalo si Pacman sa laban at hindi si Marquez!

I'm sure isang heroes welcome ang naghihintay kay Pacman pagbalik niya sa Pilipinas. Congratulations Pacman!

0 comments:

Post a Comment