Tuesday, November 15, 2011

Gerald Anderson, tanggap na magkaroon ng ibang lovelife si Kim Chiu!

Excited na excited na si Gerald Anderson sa upcoming movie nila ni Sarah Geronimo na "Won't Last A Day Without You". Well, sino ba ang hindi mae-excite dahil tiyak na tatabo ito sa takilya lalo na at kasama ang Pop Princess.

Hindi rin matatawaran ang achievements ni Gerald with his character Budoy na talagang minahal ng taumbayan. In fairness, umaariba sa ratings ang Budoy na siya naman dapat ipasalamat ni Gerald.

Recently napapabalitang nililigawan ni Xian Lim ang ex niyang si Kim Chiu kaya maraming entertainment writers and bloggers ang hiningan si Gerald ng kanyang opinyon. For Gerald, matagal nang naka-move-on at focused ngayon sa kanyang career. Besides, he's becoming a mature person at alam na niya ang kanyang isasagot sa mga tanong na mau kinalaman sa kanyang lovelife.

"Sa ngayon, wala pa akong lovelife," pag-aamin ni Gerald sa isang interview na na-publish sa isang artikulo sa internet. "Focused ako ngayon sa trabaho pero I'm not closing my doors to fall in love again."

"I just learned from my past relationship. Di ba you learn sa bawat relationsnhip na dumarating sa iyo? Kapag galing ka sa isang relasyon, alam mong nagwo-work naman pero [minsan] hindi nagla-last. You just learn from every relationship. Kung ano 'yung maganda [na nangyari sa inyong relationship] saka kung ano 'yung pangit, siyempre di mo maiaalis sa iyo iyan. Dala-dala mo pa rin 'yan," seryosong pahayag ni Gerald.

Nag-iwan rin ng payo si Gerald kay Xian. "Alagaan mo si Kim kung ganun."

Samantalang may chika na pinopormahan na ni Gerald si Sarah Geronimo na siyang kapartner niya sa "Won't Last A Day Without You". Pero sa ngayon ay hindi pa ito kinukumpirma ni Gerald, maging ni Sarah. Pero isa lang ang sigurado: malakas ang chemistry nila Gerald at Sarah at hindi malayong magka-developan ang dalawa!

0 comments:

Post a Comment