Monday, November 14, 2011

Enchong Dee mahilig sa mga matatanda; pinapantasya si Gretchen Barretto!

Kaya pala walang nali-link na babae kay Enchong Dee lately dahil pihikan pala pagdating dito ang isa sa mga pinakasikat na Kapamilya stars sa ngayon.

Recently inihayag ni Enchong sa isang interview ni Boy Abunda na suportado niya ang pagtatambal ng kanyang ka-loveteam na si Erich Gonzalez sa Thai heartthrob na si Mario Maurer. Ayon kay Enchong, open naman siya na magkaroon ng ibang leading man si Erich at mas lalong open siyang magkaroon ng ibang leading lady sa susunod niyang teleserye o pelikula.

"Gusto ko siguro someone older [leading lady] para kakaiba naman. May movie dati 'yung The Rebound, 'yung kay Catherine Zeta Jones, gusto ko 'yung parang ganun. Parang younger man tapos older woman 'yung anggulo. May light story pero at the same time hindi siya super sexy. Tapos siguro si Ms. Gretchen Barretto sana yung leading lady," pahayag ni Enchong.

So kaya pala... mukhang mas komportable si Enchong sa older leading ladies kaysa sa mga leading ladies na ka-edad niya. 

Tinanong rin siya kung older woman ang gusto niyang maka-relasyon sa totoong buhay. Tanging ngiti lamang ang naisagot ni Enchong [sabay blush].

Hay naku!!!