Saturday, November 19, 2011

Pinoy Big Brother Unlimited, nawawalan ng viewers!

Bagamat medyo mataas pa rin ang ratings ng Pinoy Big Brother Unlimited kumpara sa mga kalaban nitong TV shows, kapansin-pansin ang tila unti-unting pagbaba ng TV ratings ng nasabing reality show. May dapat ikabahala ang management ng ABS-CBN.

Isa daw sa dahilan ng pagbaba ng TV ratings ng PBB Unlimited ay ang sobrang dami ng housemates. Nalilito na raw ang mga sumusubaybay sa PBB Unlimited sa kung sino ang susuportahan nila sa mga housemates. Sa dami ng housemates, hindi sapat ang oras para makilala nila ang mga ito, idagdag pa ang tila nagkagulo-gulo nang eksena sa loob ng mga bahay ni Kuya dahil hindi lahat ng housemates ay nabibigyan ng exposure. 

May mga nagkomento pa nga na hindi muna sila manonood ng PBB Unlimited hangga't hindi nababawasan ang mga housemates. Mamamasyal muna raw sila sa ibang channel at babalik kapag kumonti na ang mga housemates.

Maliban sa mg housemates na sina Slater, Kevin, Paco, at Carlo, walang matandaang ibang housemates ang mga viewers dahil sa sobrang dami nila sa loob ng Bahay ni Kuya. May ibang housemates naman na kinakaasaran na ng mga viewers, tulad ng 3G na binubuo ng tatlong babae na walang ginawa sa loob ng bahay kundi ang manlandi sa mga lalaking housemates.


0 comments:

Post a Comment