Kaloka ang rebelasyon ni Top Rank promoter Bob Arum bago ang laban nina Congressman Manny Pacquiao at Cheater Juan Manuel Marquez.
Ayon kay Arum, nagpa-planong tumakbo ang Pambansang Kamao bilang Presidente ng Pilipinas sa 2022. Ito ay inihayag mismo ni Arum sa interview sa kanya ni Piers Morgan na umere sa CNN kamakailan.
Pero ayon kay Arum, pagka-gobernador daw muna ng Saranggani ang target ni Pacman sa 2013.
"The end of the game is 2022. He got to be [more than] 40 years old to run for President and that's the first election that he'll be eligible to run for President [of the Philippines]," sabi ni Arum na nangako ng suporta kay Pacman sa 2022.
Hmmm...
Samantala, matatandaang naunsiyami ang pagtakbong Vice President ni Pacman sa 2016 dahil wala pa siya sa age requirement na 40-years old. Matatandaan ding nainggit, este nagpahayag si Senador Juan Ponce Enrile ng pagtutol sa pagtakbo ni Pacquiao bilang Presidente sa darating na panahon. Aniya, ibang level na ang pagiging presidente ng Pilipinas at tanging may mga pinag-aralan lang daw ang dapat tumakbo. Ganun?
Hay naku, I'm sure maraming tututol sa pagtakbo ni Pacman bilang presidente sa hinaharap. Pero ako, hindi ko huhusgahan ang kakayahan ni Pacman dahil baka sa kanya dumadaloy ang isang huwarang pangulo ng bansa.
At ano naman ang kinalaman ng "may pinag-aralan" o pagkakaroon ng "bachelor's degree" sa pagiging mabuting public servant? Bakit si Gloria Macapal Macapagal Arroyo na isang PhD degree holder pero BASURA ng bayan at garapal kung makakurakot at manloko sa taumbayan!
0 comments:
Post a Comment