Wednesday, October 26, 2011

Shamcey Supsup, may attitude problem na?

May pasabog si Ricky Lo kamakailan na si Miss Universe 2011 3rd runner-up Shamcey Supsup ay di umano nagkaroon na ng "attitude" matapos ang tagumpay nito sa pagsali sa prestihiyosong beauty pageant.

According sa mga sources ni Ricky, madalas na raw mag-complain ngayon si Shamcey sa tuwing may humihingi ng kanyang interview. Kung dati ay sweet, friendly, at palagi itong nakangiti sa press people, ngayon daw ay madalas mo na siyang mariringgan na "Ayoko na ng interview-interview. Pagod na ako!!!". Pati raw ang nanay ni Shamcey may mariringgan na raw ng mga reklamo tulad ng "Panay na lang binibini-binibini; dito sa bahay ayoko ng binibini-binibini ha!".

Sabi ng isang journalist na madalas mag-interview noon kay Shamcey, "No sign of recognition, as if I was interviewing her for the first time. Suddenly, may ‘attitude’ na siya."

Well, baka naman talaga pagod na pagod na ang dalaga at di nyo man lang pinagpapahinga? Kahit public figure na si Shamcey, napapagod din siya. Siguro masyado nang umaabuso ang ilang press people at kesehodang mapagod na ang kanilang celebrity na ini-interview makakuha lang ng latest scoop.

Tsk... tsk... That is the payment of being a celebrity.

0 comments:

Post a Comment