Wednesday, October 26, 2011

Mario Maurer, nasa Pilipinas na! Gagawa ng Pelikula sa Star Cinema!

Yup, dumating na kahapon sa NAIA ang Thai heartthrob na si Mario Maurer para maging bahagi sa isang photoshoot ng isang clothing brand na kanyang ie-endorso.  As usual dinagsa si Mario ng mga fans (mga babae at mga binabae) na matiyagang naghintay sa kanya simula pa nung umaga.

Naririto si Mario Maurer ngayon upang maging bahagi ng promotion ng Penshoppe. Kasama rin siya sa Philippine Fashion Week na gaganapin sa SMX Convention Center sa Sabado, October 29.

At heto ang latest chika from an insider, magkakaroon ng pelikula si Mario Maurer katambal si Erich Gonzales, produced siyempre ng Star Cinema. Nakapirma na raw ng contract si Mario at anytime, magsyu-shoot na siya. Bongga!

Bagama't inisnab niya ang ibang mga tanong sa kanya ng press people, mainit namang sinalubong ni Mario ang kanyang fans. As expected parang nawalan ng bait ang mga lokaret kung babasihin mo sa tindi ng kani-kanilang mga tili!

Well, maraming ma-eexcite na mga fans sa upcoming movie ni Mario Maurer sa Star Cinema!

Welcome to the Philippines, Mario! Enjoy your stay!

0 comments:

Post a Comment