Wednesday, October 26, 2011

Claudine Barretto, nagwala sa bangko, hiwalay na kay Raymart Santiago!

Kaloka ang nasagap kong balita na mega-warla, as in nagwala si Claudine Barretto sa isang sangay ng BPI sa Quezon Avenue, Quezon City, tanghali ng October 25.

Ayon sa mga nakasaksi, parang loka-loka raw na nagwala si Claudine matapos mapag-alaman na wala nang laman ang kanyang bank account. Naging hysterical daw ang actress dahil hindi makapaniwalang may nauna nang nag-withdraw sa bank account na siyang joint account nila ng asawang si Raymart Santiago.

Kasama ang kanyang abogado na si Atty. Agnes Maranan ay galit na tinalakan ng aktres ang teller ng banko nang abutin sila ng kalahating oras bago sabihin sa kanya na wala na ang balanse ng kanyang pera sa banko, makaraang tangka nitong i-withdraw ang hindi pa batid na halaga ng salapi.

Ayon din sa mga chismis, si Raymart daw ang nag-withdraw ng lahat ng pera na nasa joint bank account. Ngunit kung si Raymart pala ang nag-withdraw, bakit magwawala ng ganun si Claudine?

May kumakalat recently ng mga balitang hiwalay na ang mag-asawang Claudine at Raymart. "Malamang totoo nga ang balita na hiwalay na sila. Bakit kailangan pa niyang magsama ng abogado sa pagwi-withdraw ng pera? Kung si Raymart nga ang kumuha ng pera, pwes, ninakawan nga siya ng kanyang asawa," chismis ng isang malapit na kaibigan ni Claudine.

Ay kaloka! Kapag pera na pala ang pinag-usapan, walang asa-asawa! 

So bakit kaya nag-hiwalay ang mag-asawa? Malamang insecurity sa showbiz career ang puno't dulo ng hiwalayan... kung totoo man na hiwalay na sila.

0 comments:

Post a Comment