Friday, October 14, 2011

Shamcey Supsup at Bianca Manalo, pagsasabungin sa Happy Yipee Yehey!

Shamcey Supsup at Bianca Manalo
So tuloy pala ang balak ni Miss Universe 2011 3rd Runner-up Shamcey Supsup na pasukin ang mundo ng showbiz.

Ayon kasi na nasagap kong balita, may nagaganap na negotiations between Shamcey at mga Kapamilya execs upang maging host ang beauty queen sa noontime show na Happy Yipee Yehey (HYY) kung saan makakasama nito sa hosting ang isa pang beauty queen at certified TYG ng Miss Universe 2009 na si Bianca Manalo.

Well, I'm sure makakalimutan na ng mga loyal viewers ng Happy Yipee Yehey ang nag-alsa-balutan nilang host na si Mariel Rodriguez na ni minsang hindi naging asset ng naturang noontime show.

Mabalik tayo kina Shamcey at Bianca, di kaya magkaroon ng gap ang dalawa especially sa exposure nila sa HYY? Tila pinagsasabong sila ng mga execs ng Kapamilya Network. Siyempre di maiiwasang magkaroon ng insecurities between them especially kapag inungkat na ang mga achievements nila sa beauty pageant scene. I hope not, sana walang ganitong mangyari.

Kung sabagay, may unique qualities sila Bianca at Shamcey, besides mas nauna si Bianca na pumasok sa mundo ng Pinoy Showbiz. To add na mas may karisma ang Juanita Banana star. 

Well let's see kung sino ang a-arriba sa kanilang dalawa pagdating sa hosting.

0 comments:

Post a Comment