Friday, October 14, 2011

Cristine Reyes, walang planong umalis sa Kapamilya Network!

Cristine Reyes sa "No Other Woman"
Matapos ang phenomenal success ng pelikulang "No Other Woman" ay inihayag na ng bida na si Cristine Reyes na wala siyang planong lumipat ng network, na taliwas sa mga haka-haka na balak nitong mag-alsa-balutan ito sa ABS-CBN at lilipat sa TV5.

“Naririnig ko pero tingin ko hindi naman ako lilipat. Hindi nakarating sa akin through Viva, nakarating sa akin sa mga tweets, ganun. Siyempre magkakaroon muna ng discussion tungkol dun and if ever, mabait naman ang Viva eh, kung saan mas masaya yung alaga nila, dun sila. Siyempre mahirap naman magtrabaho kung alam mong ayaw mo magtrabaho sa kung saan man ‘di ba? Siyempre kung saan ka mas kumportable, saan ka mas nabibigyan ng magandang project at ma-a-appreciate ka ng mga tao, dun ka. Happy ako,” ani Cristine na isa na sa mga certified blockbuster actress ng Pinoy Showbiz.

Inamin din ni Cristine sa sobrang blessed siya ngayong taon dahil bukod sa natupad rin ang matagal na niyang pinapangarap na maging isang blockbuster actress ay going strong pa rin sila ng boyfriend niyang si Rayver Cruz. Kamakailan lang ay nag-celebrate ang magkasintahan ng kanilang first year anniversary.

Sa kabilang banda, super enjoy si Cristine sa kanyang pelikulang "No Other Woman" at nagkaroon siya ng pagkakataon na makipag-bonding sa dalawang hottest stars ng Kapamilya - sina Derek Ramsey at Anne Curtis na kasama niya sa nasabing pelikula.

“Madami akong natutunan lalo na kay Derek. Pero minsan ang hirap din kasi lagi siyang nagpapatawa eh. And si Anne din ma-chika. Pero masaya. Naging masaya yung trabaho namin, yung shooting namin. At marami kaming natutunan kay direk Ruel (Bayani). Madaming mga discussion na nangyayari. Marami siyang input na sinasabi sa amin,” wika ni Cristine sa panayam ng ABS-CBN sa kanya.

Well, talagang masuwerte si Cristine Reyes ngayong taon. Besides luck, masasabi na rin nating palaban na at may ibubuga na ang kapatid ni Ara Mina pagdating sa aktingan. Well, nasa genes na nila ang pagiging magaling na artista!

0 comments:

Post a Comment