Friday, October 14, 2011

Sam Milby, gustong sumabak sa Hollywood!

Sam Milby, gustong maging Hollywood star!
Wow! Nabalitaan ko na nag-audition pala recently si Sam Milby sa isang American TV network noong October 10. Well, good luck! All out ang support ng Pinoy Showbiz Chika sa iyo Sam!

Anyway, kahit na matupad ang matagal nang pinapangarap ni Sam na makapenetrate sa Hollywood just like Jericho Rosales at Cesar Montano, nangako ang ex-PBB housemate na hindi niya iiwan ang Pinoy Showbiz.

“If ever matanggap ako doon, it will just be for three to six months. So it’s not like mananatili ako doon. Balak ko na magre-renew ng contract,” pahayag ni Sam sa isang presscon ng kanyang bagong album na "Be Mine" na ginanap sa Rai Rai Ken Quezon City noong October 7.

“I did audition for one of the biggest networks over there, and it was just down to two of us. Korean yung isa because the network is looking for an Asian-looking (actor),” dagdag pa niya.

Pero hindi umaasa ng Hollywood career si Sam, pero hopeful siya na kahit papaano mapansin siya.

Matagal nang pangarap ni Sam Milby na maging artista sa Hollywood. Prior to the said audition, nagtangka rin siyang mag-audition sa Glee, kung saan muntik na siyang maka-clinched ng role.

Well, naniniwala ako na kapag may tiyaga, may nilaga! Ipagpatuloy mo lang Sam ang pag-a-audition at malay mo magbunga rin ang iyong paghihirap!

0 comments:

Post a Comment