Sunday, October 23, 2011

Shaina Magdayao, malaki ang insecurity kay Ruffa Gutierrez!

Kaloka ang nasagap kong balita na sobrang na-insecure si Shaina Magdayao kay Ruffa Gutierrez na ex-GF ng boyfriend niyang si John Lloyd Cruz sa birthday concert ni Vina Morales nung isang linggo!

Grabe, as in hindi raw maipinta ang mukha ang younger sister ni Vina sa pagkakakita nito sa ex ng kanyang BF, kwento sa akin ng source.

Selos na selos daw si Shaina nang minsang magkita sina John Lloyd at Ruffa at binabantayan nito ang bawat galaw ng boyfriend upang matiyak na hindi ito nakikipag-usap sa ex. Grabe!

Kwento pa ng aking source na ilang beses daw nagparinigan ang dalawa. Nakarating hanggang sa twitter ang parinigan nilang dalawa.

Tweet ni Ruffa na may pasaring kay Shaina, "My gosh panahon pa ni Magsaysay... huwag ka namang ma-insecure! There's nothing I can do if my legs are longer than yours. Hellow! No cure for the INSECURE! Kalurks ka girl!!!! Seriously. Be Real! That was so nineteen kopong-kopong! I've should've stayed home & slept."

At hindi pa nagtatapos ang insecurity saga ni Shaina, dahil napabalitang nagselos din daw ito nang makita ang isa pang ex ni John Lloyd na si Liz Uy sa ibang event.

Pak! Isang malaking sampal kay Shaina Magdayao! Kaloka!

In fairness may dapat ika-insecure si Shaina kay Ruffa. Una, kagaya nga ng sinabi ni Ruffa, mahaba ang legs niya compare kay Shaina. Pangalawa, mas maganda si Ruffa kaysa kay Shaina. At pangatlo, unang dumating si Ruffa sa buhay ni John Lloyd bago si Shaina! Boom!

Hay naku. Walang gamot sa insecurities. Kung ako kay Shaina, tanggapin na lamang niya na magkaiba sila nina Ruffa at Liz. Besides, sila naman ni John Lloyd. Bakit pa siya magseselos?

Kung papanatiliin ni Shaina ang kanyang insecurities, I'm sure hindi magtatagal ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz.

0 comments:

Post a Comment