Saturday, October 22, 2011

Panukalang 'Batangas' Sign sa Taal Volcano, Kaloka pero Bongga!


Kaloka ang naisip na panukala ni Batangas Governor Vilma Santos na lagyan ng sign na mala-Hollywood ang Taal volcano. Ang rason daw, ayon na rin sa butihing gobernadora, ay para tumaas daw ang rate ng turismo ng Batangas.

Gov. Vilma Santos
Teka, ano na namang kagagahan ito? In the first place bakit kailangan pang lagyan ng sign ang Taal Volcano? Paano kung sumabog ang bulkan, eh di masisira lang ang sign. Sayang ang perang ipinampagawa. At saka para ano pa? May mga nagsasabing papangit daw ang view ng Taal kung lalagyan pa ito ng sign.

Ay ang sakit sa bangs!

Pero in fairness bongga naman ang ideya kahit na medyo nakaka-lukring. Kung sabagay sa Hollywood, may 'Hollywood' sign sa isang bundok doon na kung tutuusin eh wala namang silbi pero nakilala ng husto at dinarayo ng mga turista. Baka naman matulad din ang Taal Volcano sa kasikatan ng Hollywood. Malay natin dahil sa 'Batangas' sign na iyan tumaas ang turismo ng Pilipinas. Who knows diba? 

Ayon naman kay Ate Vi, di pa naman pinal ang panukala at maaari daw na hindi matuloy.

Basta heto lang ang masasabi ko: KALOKA!

Ganito na lang kaya? Hahaha
O di naman kaya ganito? Para may pakinabang naman!

0 comments:

Post a Comment