Monday, October 24, 2011

Lara Quigaman, idinemanda!

Lara Quigaman sinampahan ng demanda!
Nakakaloka ang nasagap kong balita na idinemanda pala si dating Miss International 2005 Precious Lara Quigaman ng isa pang beauty queen. Kasalukuyang nahaharap sa kaso si Lara dahil nagsampa ng demanda ang beauty queen na si Sherylee Sustiguer, ang nanalo sa Miss Turismo Pilipina 2008 na itinatag at inorganisa ni Lara.

Ayon sa mga nagsilabasang report, idinemanda ni Sherylee ang organizers ng Miss Turismo Pilipina pageant dahil hindi pa raw nito natatanggap ng buo ang premyong ipinangako sa kanya noong manalo siya sa naturang pageant noong 2008. Kasama kasi sa mga naipangako kay Sherrylee ay isang house and lot sa Tarlac, Php 250,000 cash at replika ng korona ng Miss Turismo Pilipina.

Agad namang nagsalita si Lara sa isyu, "Meron kaming problema with the sponsors, na for some reason hindi pa nila naire-release. Baka akala nila ako o kami [sa Miss Turismo Pilipina] ang kumuha, nag-hoard yung partners ko. I told to Sherylee to talk to me. For some reason, she hasn't communicated with me at all." paglilinaw ni Lara sa interview ni Boy Abunda na nai-publish sa isang pahayagan.

Agad namang bumuwelta ang kampo ni Sherylee, at ang tiyahin nitong si Marilyn Rebadulla ang nagsalita ukol sa isyu.

"I would like to confirm that up to now, we have not received the prize. The house and lot at Php 250,000 cash, ang tagal. Taos yung replika raw ng crown wala. Hindi ko lang nagugustuhan yung [sinabi niyang] hindi kami nakikipag-communicate sa kanya. We tried communicating, [pero] hindi naman sila nag-reach out sa amin," seryosong pahayag ni Ms. Rebadulla. 

Ayon pa sa tiyahin ni Sherylee, nagsampa na sila ng demanda kontra kina Lara at sa organizers ng Miss Turismo Pilipina upang maresolba na ang kanilang problema.

"May received copy na sila na nag-demand na kami kasi puro verbal. Walang patutunguhan right then na na-received nila yung copy. Weare expecting na magre-respond sila sa lawyer pero wala. Ang sa amin lamang, kung ano ang sabihin mo, panindigan mo. Nagtayo ka [Lara Quigaman] ng ganyang pageant tapos walang napatunguhan?" pagtatapos ni Ms. Rebadulla.

Bukod kay Lara, ang Miss Turismo Pilipina ay isang pageant na itinatag at inorganisa rin ng kapwa niya beauty queens na sina Denille Lou Valmonte at Karen Agustin.

0 comments:

Post a Comment