Sunday, October 16, 2011

Poser ni Lolit Solis, daig pa ang balat ng buwaya sa sobrang kakapalan ng mukha!

Nakakaloka to the nth power ang poser ni Manay Lolit Solis sa twitter. Grabe kung mag-ispluk ng chismis nang huli ko itong bisitahin sa Twitter. Daig pa nito ang isang fookeh ng baboy kung manira! Pero sorry na lang siya at buking na buking na ang kanyang modus - alam na ng lahat na walang twitter account si Manay Lolit at alam na rin ng lahat na lie-low na ang beteranang talent manager sa pag-ispluk ng chismis dahil sa maraming beses na itong nademanda!

Yup, isa ako sa mga naging biktima ng buwayang ito. Buong akala ko noon na siya nga si Lolit Solis kaya paniwalang-paniwala ako sa mga tweet niya. At saka laking gulat ko nang minsang maghingi ito ng regalo at kung anu-ano sa mga subscribers niya! Kaloka! Buti na lamang napanood ko minsan sa Star Talk na sinabi ni Lolit Solis na kailanman wala siyang twitter account at binalaan ang mga subscribers ng naturang poser na huwag maniwala sa mga chismis nito. Hay naku naman!

Kung inyong matatandaan, laganap din sa kagarapalan ang poser ni Ricky Lo na hitik sa mga blind items 'yun pala kathang isip lang nito. Hay nakuuuuu!!!

Dapat sigurong umaksyon na ang gobyerno laban sa mga manloloko sa internet.

0 comments:

Post a Comment