Sunday, October 16, 2011

Pagdating ni Mario Maurer sa Pinas inaabangan na ng mga Pinoy!

Inaabangan na ng mga fans ang pagdating sa Pilipinas ng Thai actor na si Mario Maurer na magaganap sa Oktubre 28. Pupunta sa bansa ang 22-year-old actor dahil sa mga local endorsements nito.

As expected hindi na makapaghintay ang mga Pinoy fans lalo na ang mga beki. Ngayon pa lang ay trending na sa Twitter at Facebook ang nakatakda niyang pagbisita.

Nabalitaan din namin na may niluluto nang pelikula ang Star Cinema na magtatampok kay Mario at ang magiging leading lady daw nito ay walang iba kundi si Erich Gonzales. Pumayag na raw ang Thai actor at game na game na raw ito bagamat hindi pa nito napipirmahan ang kontrata. Malakas ang feeling ko matutuloy ito!

Para sa mga die-hard fans ni Mario Maurer diyan especially sa mga beki na halos tumulo ang laway sa kakapanood ng mga sexy videos ng actor, abangan niyo ang kanyang fan conference sa Oktubre 28 na gaganapin sa PICC Plenary Hall. Ito ay iho-host ng another sizzling Thai celebrity na si MTV VJ Utt!

0 comments:

Post a Comment