Sunday, October 16, 2011

Hollywood Actor Matt Damon inaasahang dadarating sa Pilipinas!

Matt Damon
Nakatakdang dumating ang Hollywood actor na si Matt Damon sa Pilipinas upang mag-shooting sa latest fourth installment ng Bourne series - ang The Bourne Legacy.

Siguradong maraming ma-e-excite na mga Pilipino na makita ng personal ang Hollywood star!

Sa January pa sa susunod na taon ang pagdating ni Matt Damon, ayon ito sa independent film maker na si John Sayles. Bagama't iba ang bida sa "The Bourne Legacy", may notable appearances si Damon sa pelikula, partikular habang sakay ng MRT. Imagine kung anong aksyon ang magaganap sa loob ng tren!

Jeremy Renner, bagong bida sa Bourne
Series!
Masasabing sigurado na ang kanyang pagdating dahil may clearance na raw ito sa US Embassy dito sa atin.

Kasama daw sa dadarating ay sina Jeremy Renner, ang bagong bida ng pelikula, Rachel Weisz at Edward Norton na gaganap bilang kontrabida.

Kaya abangan natin ang susunod sa kabanata!

0 comments:

Post a Comment