Steven Silva, di kilala ng mga fans? |
Kaloka ang eksena sa Trinoma nung Lunes. Hindi ko expected na makikita ko ang StarStruck V Ultimate Survivor na si Steven Silva. Actually may kaunting gulat factor nang makita ko ang chinito hunk dahil puro mga artista ng Kapamilya network ang madalas kong makasalamuha. Well, pakiramdam ko suwerte ako nung araw na iyon.
In fairness, guwapong-guwapo sa personal si Steven pero nung una, aaminin ko, mas mukha siyang foreigner - especially Japanese or Korean - kesa Pilipino. At saka maganda ang kanyang tindig at ang kinis ng balat. Hindi mo maipagkakaila na artista siya.
Pero isa sa mga napansin ko - tila hindi pinagkakaguluhan si Steven. And I found out the reason why: hindi pala siya kilala ng ibang Pinoy!
Ganito kasi iyon, nakita ko si Steven (with his alalays, siyempre) na dumaan sa department store ng Trinoma habang ako naman ay nagbabayad sa counter. Nang makita ko si Steven, sabi ko sa cashier na babae, "Uy, si Steven Silva oh?"
Tumingin sa akin ang babae, parang ngayon lamang narinig ang pangalan ni Steven. Pagkatapos ay tinuro ko sa kanya na siya namang sinundan niya ng tingin.
"Sino siya, kuya?" tanong sa akin ng cashier (kaloka, kuya talaga ang tawag niya sa akin!). Nanlaki ang mga mata ko, "Si Steven Silva, yung nanalo sa StarStruck?"
"Kuya, hindi ko siya kilala eh," sabay ngiti ng babae na tila nahiya. "Sa GMA po ba siya?" Siyempre, sa isip-isip ko. Kalokang bilat, di yata nanonood ng TV, o wala siyang TV sa bahay!
Tinanong ko rin ang dalawang babaeng tagabalot na kasama niya sa cashier. Hindi rin nila kilala si Steven.
Pak!
Naloka ako. Hindi ako makapaniwala na hindi nila kilala si Steven.
Tanong ko ulit sa mga babae, "sinong mga GMA artists ang kilala niyo?"
"Sina Marian [Rivera], Dingdong [Dantes], Mark Herras, Dennis Trillo, marami eh," sagot ng babaeng kahera.
"Si Aljur [Abrenica], GMA rin 'yun," sagot ng isang 'baggage' girl.
Hay naku, I think merong problema ang GMA network sa pagpro-promote ng kanilang mga artista. Ibang-iba ang coldness na natanggap ni Steven Silva mula sa fans, contrary sa mga artists ng ABS-CBN na talagang kilalang-kilala ng masa. Kung si Marcelito Pomoy nga ng Pilipinas Got Talent pinagkaguluhan ng todo nang minsang naging guest siya sa CINEXPO 2011 na ginanap sa SM Mall of Asia noong August, bakit hindi si Steven Silva na kung tutuusin ay isa sa mga fresh male faces ng Pinoy Showbiz?
Kelangan na talagang baguhin ng PR style ng Kapuso network.
0 comments:
Post a Comment