Wednesday, October 26, 2011

Kris Aquino, tinanggap ang UN post para maghanap ng lovelife!

Nakakaloka ang pahayag ng Queen of All Media na si Kris Aquino tungkol sa pagtanggap niya sa position na honorary patron na inalok sa kanya ng United Nations Commission for Refugees. Dalawang taon ang termino niya as honorary patron in Asia.

Nilinaw ni Kris sa kanyang interview kay Boy Abunda na walang kinalaman ang kanyang kapatid na si P-Noy sa pagkaka-appoint sa kanya bilang honorary patron. "Sabihin ko lang ha, P-Noy has nothing to do with this. Baka may nag-iisip na kaya ako in-appoint dahil sa aking kapatid. Nanggaling talaga ang appointment sa United Nations, meaning sa Switzerland mismo. Ang tagal ng prosesong pinagdaanan natin for this," pahayag ni Tetay.

Sinabi rin ni Kris na hindi makakaapekto ang UN post sa kanyang showbiz career at sa pagiging ina niya kina Joshua at Baby James. Inamin din niya takot na siyang magmahal muli.

At hindi pa nag-paawat ang taklesang actress/ TV host. "Feeling ko lang dahil sa United Nations, may makikilala ako. Honestly don't you think? Lahat happens for a reason. Siguro meron tayong makikilala diyan na makakapag-contribute sa kapayapaan ng buong mundo at tatamaan ang puso ko," natatawa nitong sagot.

May ganun? Akala ko pa naman takot na siyang magmahal muli, yun pala naghahanap pa rin siya! Kaloka! Gamitin ba naman ang UN para maghanap ng lalaki! 

Walang kupas talaga si Kris pagdating sa kalandian!

0 comments:

Post a Comment