Monday, October 24, 2011

John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao, hiwalay na!

Shaina at John Lloyd, hiwalay na?
Totoo kaya ang bali-balitang hiwalay na sina John Lloyd Cruz at Shaina Magdayao?

Ayon kasi sa mga chika, sobrang pagseselos daw ni Shaina kay Ruffa Gutierrez ang dahilan kung bakit nakipag-break na siya sa nobyong dating box-office king. Ilang buwan din bago ang chismis na hiwalayan, inamin ni Shaina noon sa interview ni Boy Abunda na medyo boring na ang relasyon nila ni Lloydie. Mas tumindi pa raw ang pag-iigi ni Shaina na makipaghiwalay sa kasintahan nang pagselosan niya si Ruffa Gutierrez nang magkita-kita sila sa birthday concert ng ate ng una na si Vina Morales. Nadagdagan pa ang pagseselos ng dalaga nang dumalo naman sila ng kasintahan sa birthday party ni Bea Alonzo, kung saan nagkita si John Lloyd at ang ex nitong si Liz Uy.

Pero may ibang bersyon akong nahagap. Di umano si John Lloyd na rin mismo ang kusang nakipagkalas sa kasintahan dahil hindi daw nito matagalan ang pagiging baduy at sobrang selosa ni Shaina. Kaya ang dating inaasahang bad ending sa kanilang relasyon ay tila nagkatotoo.

I have the feeling na one of these days magsasalita na sina Shaina at John Lloyd sa isyu ng hiwalayan nila. Abangan. 

Samantala, may mensahe si Shaina sa karibal nitong si Ruffa Gutierrez:

Shaina to Ruffa: Mahaba man ang legs mo pero maluwag naman ang kipay mo! Belat!
Chos!

0 comments:

Post a Comment