Saturday, October 29, 2011

Ram Revilla, patay sa pamamaril at pananaksak!

Patay sa pamamaril at pananaksak ang anak ni dating senador Ramon Revilla Sr. na si Ram Revilla kaninang madaling-araw sa bahay nito sa BF Homes Paranaque City.

Ayon sa imbestigasyon, pinagbabaril gamit ang .45 kalibreng baril at pinagsasaksak si Ram, 22, at ang girlfriend nitong si Janelle Manahan. Dead on arrival si Ram habang nasa kritikal na kondisyon naman ang girlfriend nito.

Samantala, halos hindi makapaniwala si Senator Bong Revilla sa sinapit ng kanyang half-brother. “Wala akong alam na may kagalit ito. Ang alam ko, gusto niya...nagaambisyon siya na tumakbo na konsehal sa bayan ng Imus," sabi ng butihing senador.

“Mabait na tao ito, wala akong masabing masama. Paborito ng daddy ko 'to,” dagdag pa ni Sen. Bong. Nag-aalala tuloy ang senador kung paano nito sasabihin sa ama ang nangyari kay Ram. Kasalukuyang nakaratay sa sakit ang dating senador.

Ayon naman sa mga nagsilabasang mga reports, hindi robbery ang motibo sa pagpatay, bagamat tinitignan ng mga imbstigador ang anggulong pulitika sa pamamaslang. Sa ngayon wala pang lead sa kung sino ang mga pumatay sa aktor.

Hustisya ang sigaw ngayon ng pamilya Revilla.

0 comments:

Post a Comment