Tuesday, October 25, 2011

Sarah Geronimo, hindi kailanman mai-insecure kay Angeline Quinto!

Angeline Quinto vs. Sarah Geronimo? No Way!
Kaloka ang mga balitang nakalap ko na nai-insecure daw si Sarah Geronimo kay Angeline Quinto. Really???

Hay naku kung sino man ang nagpasimuno ito (hmmm... Tito Boy?) hindi nag-iisip!

Sa totoo lang, walang ika-i-insecure si Sarah Geronimo kay Angeline Quinto. Una, mas sikat si Sarah kaysa kay Angeline. Pangalawa, marami nang napatunayan si Sarah sa larangan ng showbiz. Pangatlo, may 'pangalan' na si Sarah. So bakit pa mai-insecure si Sarah kay Angeline Quinto? 

Si Angeline nagsisimula pa lamang. Oo, maaaring mahigitan niya ang success ni Sarah balang araw - pero marami pa siyang kakaining bigas! Si Sarah, it takes years bago niya narating ang estado niya ngayon. 

Wrong move talaga ang ginagawang pagsasabong kina Angeline at Sarah. Luging-lugi si Angeline. At saka hindi makakabuti sa career ni Angeline ang panay pagkukumpara sa kanya kay Sarah. SARAH GERONIMO is SARAH GERONIMO. Siya lamang ang nag-iisang pop princess ng bagong henerasyon. Si Angeline may sariling pagkakakilanlan. Kaya walang dahilan upang intrigahin pa silang dalawa!

Sana magsilbing aral sa mga fans ni Angeline Quinto ang nangyari kay Kim Chiu. Pinilit ng ABS-CBN noon na itapat si Kim kay Sarah Geronimo. Ano ang nangyari? Muntik nang maging "has-been" si Kim!

0 comments:

Post a Comment