Tuesday, October 18, 2011

Apat na Pinay Maglalaban sa Miss World 2011!

Sino sa apat na Pinay na ito ang mag-uuwi ng karangalan bilang Miss World 2011?
Apat na Pinay ang mgtatagisan sa pagandahan sa nalalapit na Miss World 2011 pageant na gaganapin sa London sa Nobyembre 6. Masasabi mong may laban ang apat dahil talagang magaganda at sexy ang mga ito!

Nangunguna sa listahan ay ang ating pambato sa Miss World na si Gwendoline Ruais. Si Ruais ay isang French Filipino professional model na beterana na sa mga beauty pageants. Bago siya sumali at manalo sa Miss World Philippines ay nakasali na rin siya sa iba pang mga beauty pageants tulad ng  Binibining Pilipinas 2010. Bukod pa sa hindi matawarang experience sa print at runway modeling. Talagang malakas ang laban natin! Kaya ngayon pa lang ihanda niyo na ang inyong mga bibig dahil tiyak na titili ang buong sambayanan habang kinokoronahan si Gwendoline bilang Miss World 2011 na masasaksihan sa live telecast ng GMA 7!

Isa pa sa mga inaabangan ang former Pinoy Big Brother Housemate at Runner-up na si Riza Santos. Tulad ni Gwen, batikan na sa larangan ng beauty pageants ang Filipino-Canadian na si Riza. Nakasali na rin siya noon sa Miss Earth 2006, representing Canada, at talagang nakilala ng husto. Ngayon ay susubukan niyang manalo sa Miss World 2011.

Another Pinay na lalaban sa Miss World ay si Maya Celeste Padillo Olesen, ang Filipina-Danish babe representing Denmark. Malakas din ang laban ng babaeng ito sapagkat sa mga glamour shots pa lang talagang makikita mo na palaban at kayang makipagsabayan sa mahigit na 120 babaeng kalahok sa Miss World ngayong taon.

Lastly, representing Miss Guam ay isa pang Pilipina ang kabilang sa Miss World contestants. Siya si Siera Robertson, isa ring pageant veteran. Kung inyong matatandaan, sumali na rin siya noon sa Miss Universe 2008. Bagama't naging TYG noong 2008 ay masasabing na-develop ng husto ang pageantry skills ni Siera ngayon at talagang mas handa na ngayong makipagsabayan sa iba pang magagandang kalahok.

Heto lang ang masasabi ko: talagang world-class ang beauty ng Pilipina! Good luck sa apat na Pinay na kandidata sa Miss World 2011!

2 comments:

world class ang beauty ng Pinay!!!

wasn't it her sister, Gwenelle who joined Ms. Philippines-Earth in 2010? nag place pa nga, Ms. Philippines-Fire. Gwendoline's past pageant experience only includes Bb. Pilipinas 2010, and a minor modelling competition abroad, IMHO.

Post a Comment