Thursday, October 13, 2011

Shamcey Supsup, mas bagay maging Architect kaysa maging artista!

Shamcey Supsup
Recently mayroong lumalabas ng mga chika na magiging co-host si Shamcey Supsup sa Pinoy Big Brother Unlimited ng Kapamilya Network. Marami na ang nagsasabi, including well-known entertainment columnist Dolly Anne Carvajal, na kasama nga ang Miss Universe 2011 3rd runner-up sa list of PBB hosts na kinabibilangan nina Toni Gonzaga, Bianca Gonzalez, Martin Concio, at Robi Domingo. Pero as of this writing hindi pa ito ikino-confirm ng ABS-CBN management kung kasali nga si Shamcey sa line-up o hindi.

Hmmm... akala ko ba ayaw ni Shamcey na pumasok sa showbiz? As far as I know, ayaw rin ng nanay niya na si Mommy Merci na papasukin ang kanyang unica hija sa showbiz, at sa halip ay gusto ng ina na ipagpatuloy ni Shamcey propesyon bilang isang arkitekto. Ayaw rin ng guwapong boyfriend ni Shamcey na si Lloyd Lee na pumasok ang kasintahan sa showbiz dahil mawawalan daw sila ng privacy.

Kung sabagay hindi pa ito confirmed at maaaring umayaw si Shamcey sa bandang huli.

Pero kung ako ang tatanungin, pwedeng mag-artista si Shamcey Supsup, why not? May qualities naman siya to be part of Pinoy Showbiz. Pero sa kabilang banda, I still suggest na huwag na sanang pasukin pa ni Shamcey ang pag-aartista. Bukod kasi sa masasayang lang ang kanyang tinapos na propesyon bilang arkitekto ay iba ang kalakaran sa mundo ng showbiz. Mas bagay kay Shamcey na makilala bilang isang World-class architect kaysa maging artista. Ang pag-aartista kasi, panandalian lamang. Maaaring sisikat siya ngayon as an artist pero bukas o sa makalawa malalaos na siya. Samantalang kung ipagpapatuloy niya ang pagiging arkitekto, habang tumatagal siya sa propesyon, mas lalong bumubuti ang kanyang talento at kakayahan bilang arkitekto. Iba ang linyada ni Shamcey, at hindi iyon ang pag-aartista.

Hayaan na lang ni Shamcey ang pag-aartista kina Venus Raj at Bianca Manalo. Believe me, mas makakabuti kay Shamcey na huwag pumasok sa showbiz.

Pero na kay Shamcey pa rin ang huling desisyon. Kung sabagay, siya lang ang nakakaalam kung anong makabubuti sa kanya o hindi. Tayo ay suggestion lamang ang ibinibigay.

0 comments:

Post a Comment