Tuesday, October 25, 2011

Sarah Geronimo at Gerald Anderson, balik tambalan sa "Won't Last A Day Without You"!

Muling kiligin sa pagtatambal muli nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson!
Muling nagbabalik ang totoong BOX OFFICE QUEEN na si Sarah Geronimo at muling katambal ang nag-iisang Gerald Anderson sa isang pelikulang muling magpapakilig sa buong sambayanan!

Kung kinilig kayo sa movie nina Sarah at Gerald na "Catch Me... I'm In Love", I'm sure muli kayong kikiligin sa pagbabalik tambalan nila sa pelikulang pinamagatang "Won't Last A Day Without You". Ayon sa Star Cinema, mas exciting at mas nakakakilig ang pelikulang ito at tiniyak nilang sulit ang ibabayad ninyo. Well, naniniwala ako dahil ilang beses na tayong pinakilig ni Sarah Geronimo.

Kaya't abangan ninyo ang Won'tLast A Day Without You, showing in cinemas November 23. Go Sarah and Gerald!


0 comments:

Post a Comment