Tuesday, October 11, 2011

Ron Marvin Miranda, semi-finalist sa Manhunt International 2011!

Ron Marvin Miranda
Dapat palang kilalanin si Ron Marvin Miranda dahil isa siya sa mga napiling semi-finalist sa katatapos pa lang na Manhunt International 2011 na ginanap sa Korea nitong Lunes. Ang Manhunt International ay isa sa pinaka-prestihiyosong male beauty pageant sa kasalukuyan. 

Naging isa sa mga paborito ng mga pageant predictionist si Ron na manalo sa nasabing beauty pageant. Hindi man naiuwi ni Ron ang titulo, sa pagkakasali niya sa 15 semi-finalist ay isa na nang matuturing na tagumpay at ito ang magpapatunay na likas na guwapo ang mga lalaking Pinoy!

Mabuhay ka Ron!

0 comments:

Post a Comment