Tuesday, October 11, 2011

KC Concepcion 'nahuli' sa akto si Piolo na nangangaliwa!

Piolo Pascual at KC Concepcion
Kakalipad lang ni KC Concepcion patungong Paris upang takasan ang problemang may kinalaman sa relasyon nila ng kasintahang si Piolo Pascual ay may mga kumakalat na mga tsismis na di umano ay "nangangaliwa" daw ang hunky actor na mismong nasaksihan ni KC.

Ayon sa latest tsismis, nang mag-surprise visit daw si KC Concepcion sa condo ng boyfriend ay nahuli daw nito na may kasama si Piolo sa kama. Nakatalukbong daw ang dalawa ng makita ng anak ng Megastar kaya hindi na nangahas pang gulatin ni KC ang boyfriend. Sa halip ay bigla na lang umalis si KC papalayo habang umiiyak. Isa daw ito sa dahilan ng pagpunta ni KC sa Paris "upang hanapin ang kanyang sarili".

Sa kabilang banda, hindi malinaw kung babae ba o lalaki ang kasama sa kama ni Piolo. Pero para sa mga beki, alam na nila ang sagot.

Hindi malinaw kung sino talaga ang source ng tsismis na ito. Pero kutob ng marami, matagal nang break sina KC at Piolo. Dahil kung hindi pa sila break, eh dapat bigyan na si KC ng "Ulirang Martir na Kasintahan" Award!

Sa totoo lang, nakakaawa na si KC Concepcion. Masyado na kasi siyang binabalewala ng kasintahan. Baka siguro may ibang tinitibok ng puso si Piolo kaya ganun...

Oh well...

Sana magsalita na si Piolo sa totoong estado ng relasyon nila ni KC.