Tuesday, October 11, 2011

Azkals laos na! Nilangaw ang kanilang laban kontra Nepal!

Team Azkals
Mukhang laos na nga ang mga miyembro ng Team Azkals.

Kakaloka talaga ang nasagap kong chika na nilangaw daw ang kanilang laban kontra Nepal kahapon. As in halos walang nanood at sumoporta sa kanila sa laban kontra Nepal na ginanap sa Rizal Memorial Football Stadium. 

Balita namin nalukring ang organizer dahil nga halos walang nanonood para suportahan ang Azkals kaya dahil sa pagiging desperado, ipinamigay na lamang ng organizer ang mga tickets. Kaso ang problema walang kumagat!

Kawawang Azkals. Ang bilis mawala naman ng kasikatan nila!

Nagsimulang mawala ang kasikatan ng Azkals noong matalo sila sa koponan ng Mongolia na naging dahilan ng pagka-tsugi nila sa FIFA World Cup Asian Qualifiers para sa World Cup 2014. Hindi ko makalimutan noon na halos magpakamatay ang mga Pinoy para lamang makakuha ng ticket noong kasagsagan ng laban nila kontra Vietnam. Grabe halos mapaos ang iba dahil sa sobrang kaka-cheer sa mga miyembro ng Azkals. Ngayon, nag-iba yata ang ihip ng hangin. Kung noon ay marami at hindi magkumayaw sa kaka-cheer ang mga Pinoy, ngayon parang nanonood na lamang ng madramang teleserye ang eksena. Mas marami pa yata ang fans ng Nepal kung babasihin sa cheer ng mga nanood. Hays...

Tama pala ang kasabihang, "kapag mabilis mong nakuha ang kasikatan, mabilis din itong mawawala."

Pero may sagot si Phil Younghusband sa mga taong nagsasabing laos na sila...

"Shower tayo dude..." - Phil Younghusband
;)

6 comments:

i think it wud b unfair to say dat "laos" na ang azkals by jst basing upon the turn-out of spectators in the rizal memorial stadium last oct11...fyi, super mahal kasi, as in hindi abot ng masa ang ticket prizes ng phil-nepal match, unlike nung past nilang laro sa world cup qualifiers home game dito aside from the fact na paparating ang bagyo sa pinas dis tym and also friendly match lng to qng tutuucn...u better visit the pages of azkals for u 2 realize how intact the followers/supporters of azkals are, up to now...at lalong hindi totoo yang sinasabi mong mas maraming fans ang taga nepal na nanonood dun...i-try m rn kayang tingnan ang mismo video ng nasabing match at dapat nagresearch ka ng maigi bago ka nag-conclude ng ganyan...until now buhay n buhay pa rin mga die-hards ng phil football team which is dapat lng sana s atng mga pinoy ang suportahan ang flag-bearer natn s larong to, lalo n may mga forthcoming impt intl competitions p na naka-line-up s knila...kaya never n malalaos ang isang team n xang naging dahilan kung bakit nakilala ang pilipinas ngayon s intl scene ng football ...wag sana nating ipairal ang "crab mentality"; bagkus, mas dapat i-boost pa natn ang morale ng atng natl team,...yan ay kung totoong may malasakit ka sa ating bansa!

masyadong elitista ang foreign born players, maybe because that's the way they are . You can feel that they are distant from their Pinoy fans, even when they were in Kuwait. Plus, they have not been winning their matches. As far as the fan's expectations is concerned about them winning the sport,that was not met. More PR work....calling Dan Palami!

A lor of them are seen more in newspapers, TV shows, socialite parties rather than in the soccer filed.

As of now, hinde pa, but sooner or later palaos na sila dahil ang kaya nilang talunin ay low rated teams lang. They are over-hype and lack discipline as a team. Mas nais pa nilang ma-involved sa publicity or controversy not related to their game than to focus on how to improve their skills in relation to skills and training of other teams.

bakit kasi di tayo kumuha ng mga players na purong Pinoy? bakit umaasa lang tayo sa mga half-breed?

(to first commentor) anong crab mentality ang pinagsasabi mo, eh di naman mga Pilipino iyang ibang miyembro ng azkals! Mabibilang mo lang ang full-blooded Pinoys diyan!

Anong di Pinoy???Mga halfies sila kaya me dugong Filipino din mga yan. Porke ba dala nilang apelyido ay sa ama nila di na considered at walang karapatan na maglaro dito sa bansa natin?

We should be thankful that these so -called halfies has brought interest in the majority of Filipinos(including kids)regarding this sport!

I love Futbol!!!!

Post a Comment