Tuesday, October 11, 2011

Lovi Poe, lango daw sa droga?


Lovi Poe

Gaano katotoo ang kumakalat na blind items na lango raw sa ipinagbabawal na gamot ang sexy starlet na si Lovi Poe?

Ayon kasi sa naglalabasang mga blind items, isang morena at hubaderang actress daw lang mukhang lango sa ipinagbabawal na gamot sa tuwing dumadalo raw ito sa kanyang taping. Aniya, tila bangkay-slash-aswang ang hitsura ng hubaderang actress dahil sa sobrang ngarag at parang laging naloloka sa set ng taping. Idagdag pa ang  pagod na pagod na mga mata at palaging unfocused at paiba-iba ng expression ng mukha at mood ng naturang hubaderang actress. Ay kaloka nga!

Marami na raw ang nakakapansin sa kakaibang kinikilos ng morenang starlet, ayon sa source. Kaya lumalakas ang kanilang kutob na naiimpluwensiyahan ng droga si morenang starlet.

Paano naging si Lovi Poe ang tinutukoy sa mga blind items? Very obvious ang mga clues: Ang morena at hubaderang actress daw ay paborito ng isang Chinese producer dahil walang angal daw ito pagdating sa hubaran. At saka sa pagiging ngarag ng itsura ni actress ay minimal make-up na lang ang ipilalapat sa kanyang mukha para magmukhang aswang - na role niya sa upcoming niyang pelikula.

Pak!

Totoo man o hindi ang mga blind items na nagsisilabasan against Lovi Poe, dapat maalarma na ang actress. Tiyak na makakasira ito sa pangalan ng kanyang yumaong ama na si Fernando Poe, Jr. Kung totoo man na gumagamit siya ng droga, dapat na niya itong tigilan, or else, tuluyan na siyang magmumukhang aswang!

Source: Blind Items by Pete Ampoloquio, Ronnie Carrasco III, and Aliwan Avenue