Kumbaga sa beauty pageants, semi-finalist na ang 'Babae sa Septic Tank' starring Eugene Domingo! |
Hindi makapaniwala si Eugene Domingo at kanyang mga kasama sa pagtanggap ng balitang pasok na sa 63 entries ang “Babae sa Septic Tank” sa foreign film category ng Oscars.
“Everything is so unexpected. Just to be included in the shortlist, and to see George Clooney in person, why not?” chika ni Eugene Domingo sa ABS-CBN News.
Malaking gastos din ang hinaharap nina Eugene at direktor Marlon Rivera para makumbinsi ang mga miyembro ng Academy Awards na deserving manalo ang pelikula na spoof ng iba't ibang bersyon ng isang indie movie tungkol sa kahirapan sa Pilipinas.
Sey ni Direk Marlon, “We need to have a screening in America, especially in LA or Palm Spring, kasi hindi ka nakapanood, di ba? That alone is the tallest order that we have.”
“When it comes to the financial support we have talked to some agencies. Yes, we are planning to talk to our president,” dagdag ni Eugene.
Ihahayag sa Enero 2012 kung pasok ang “Babae sa Septic Tank” sa final nominees para sa “Best Foreign Film” award.
0 comments:
Post a Comment