Saturday, November 5, 2011

Nora Aunor, bagong Photoshop Queen!

Kamakailan lumabas na sa market ang November 2011 issue ng Preview Magazine kung saan cover girl daw ang nag-iisang superstar na si Nora Aunor. Bilang isang certified NORANIAN ay talagang inabangan ko ang magazine na iyon.

When I graced a magazine stand ay nakita ko agad ang hinahanap ko - PERO LAKING GULAT KO nang makita ang covergirl ng naturang magazine.


Nora Aunor is that you???: Grabe, di ko namukhaan si Nora sa totoo lang. Parang kailan lang nakita ko sa personal si Nora sa presscon niya courtesy of TV 5 na medyo tumatanda na. Pero ngayon sa magazine na ito bonggang-bongga si Ate Guy! Nawala ang mga wrinkles sa kanyang mukha! Napaisip ako - iba na talaga ang nagagawa ng Adobe Photoshop!

Sa totoo lang, batang-bata ang aura ni Nora sa magazine cover na ito. Aakalain mong isang beauty queen sa aura niya - malayong-malayo sa tunay niyang edad. Sa totoo lang nadaig ni Nora sa ganda si Miss Angola na nanalo kamakailan sa Miss Universe 2011 pageant. Kahit na windang na windang sa ganda ni Nora ay binili ko pa rin ang magazine at ipinakita sa mga kasamahan. Sila rin ay gulat na gulat at napasabing di nila namukhaan si Nora dahil sa sobrang ganda nito sa picture.

Sabat naman ng isa kong friend na certified Vilmanian, "Si Nora [Aunor] na ang bagong photoshop queen!"

Ganun??? Parang gusto kong mag-protesta!!!

Pero in fairness naman, inborn kay Ate Guy ang pagiging elegante. I personally met her many times at talagang napahanga ako sa ganda niyang magdala ng damit. So classy and elegant talaga.

Iba na talaga ang nagagawa ng makabagong teknolohiya, lalo na ang Adobe Photoshop. Nagagawan ng himala ang isang bagay na hindi magawan ng paraan.

Sabi ko naman sa friend kong certified Vilmanian: "So kung si Nora Aunor na pala ang bagong photoshop queen, paano na si Melai Cantiveros na recently naging Diyosa sa isang magazine cover dahil sa tulong ng Adobe Photoshop?"


Hay naku! Basta Nora Aunor pa rin ako!

0 comments:

Post a Comment