Saturday, November 5, 2011

DILG Sec. Jesse Robredo, eksenador sa pagkakahuli sa suspect na pumatay sa ama ni Charice!

Si Sec. Robredo (kanan) habang nakikipag-usap sa suspek
na si Angel Capili (kaliwa). Eksena kung eksena si Sec.
Robredo!
Sa wakas ay nahuli na rin si Angel Capili, ang lalaking pumatay sa tatay ni Charice na si Ricky Pempengco. Bagama't nakapang-iinit ng ulo sa tuwing kino-close-up ang pagmumukha ni Capili ng kamera habang humihingi ng tawad sa mga naulila ni Ricky ay masaya na rin ako at ang buong sambayanan dahil sa madaling natapos ang kaso.

Anyway, maraming nakapuna at napa-ismid sa pang-aagaw daw ng eksena ni DILG Secretary Jesse Robredo sa pagkakahuli ni Capili. Kung tutuusin, hindi naman kailangan sa eksena si Robredo pero ito pa raw ang madalas na magpa-interview sa media, inaagawan daw ng moment ang isang Mayor ng isang bayan at mga pulis na totoong nakahuli sa suspect. Feeling ni Robredo sa kanya sumuko ang suspek na si Capili at kung matutuon sa kanya ang camera, talagang todo eksena ang kalihim.

Eeksena rin daw sana si Laguna Governor ER Ejercito pero talagang talbog siya kay Sec. Robredo!

Kaloka ang mga public servant natin, talagang lulubusin ang pagkakataon para lamang magkaroon ng moment of glory. Well, expected na rin naman kay Sec. Robredo ang umeksena kahit hindi naman siya kailangan - tatakbo kasi siyang senador sa 2013.

So talagang kayod to-da-maks si Sec. Robredo para magkaroon ng publicity.

Well, I don't mind it at all. Kahit na mag-tumbling at tumihaya pa si Sec. Robredo sa harap ng kamera, keber lang. Ang maganda, nahuli na ang suspek na pumatay sa ama ni Charice na ayon sa international singer ay isa raw "anghel". Talaga lang ha???

0 comments:

Post a Comment