Sa wakas at nag-leaked na rin ang alleged mugshots ni Former President Gloria Macapagal Arroyo. As usual, pinagpiyestahan ito ng sambayanang Pilipino na asar na asar na sa pang-FAMAS na acting ng dating pangulo.
Hindi umepek ang ruling ng korte na nagbabawal ilabas ang mga mugshots ng kriminal na ex-president. Ayan lumabas na.
Pero kaloka talaga ang kampo ng mga Arroyo. May balak pa na magsampa ng reklamo sa mga taong nagpapakalat ng mugshots ng dwende este ni Ate Glo. Pero sa pagkakaalam ko, maituturing na isang public document ang mga mugshots kaya may karapatan ang bawat Pilipino na makita ito.
Hirit naman ng mga Arroyo, mawawala daw ang right to privacy ni Ate Glo at baka mawalan na raw ng respeto ang sambayanan sa dating lider ng bansa.
Eh bakit ang mugshot ni Erap inilabas sa publiko? Sobra naman yatang unfair!
At respeto??? Teka, kelan ba nagkaroon ng respeto ang dating pangulo? Kung gusto pala niya ng respeto eh sana naging mabuti sana siyang lider. Ang kaso, HINDI.
Pero hindi ko maipagkaila na minsan ay naaawa ako sa lagay ni Ate Glo sa ngayon. Siguro tao lang ako. Sunod-sunod kasi ang mga sakit na dumadapo sa kanya kasabay ng sunod-sunod na kasong isinasampa sa kanya. Pero may nagpayo sa akin na huwag magpadala sa acting ni Ate Glo. Fine!
Balik tayo sa mga mugshots, may nagsasabi raw na peke ang mga mugshots na nag-leaked. Ayon sa PNP, hindi daw iyan ang totoong mugshots ni Ate Glo na ipinasa sa kanila. Isa sa mga tinitignang anggulo ay ang "Cong" sa ibabang description ng mugshot. "Gloria Arroyo y Macapagal" lang daw ang nasa totoong mugshot.
Eh kung ganoon pala dapat ilabas na ng PNP ang totoong mugshots ni Ate Glo!
Pero sa ngayon, pagpiyestahan muna natin ang mga mugshots na ito kahit pa peke. At least, naipakita ng PNP na kahit dating pangulo pwede ring mapanagot sa batas.
0 comments:
Post a Comment